Ang panganay ay mapagbigay
------
Wag mo kong babanatan nang 'Sabihin mo na sa akin dahil hindi ako makakatulog..' because I don't give a fucking damn.
Wag mo ring sasabihin na kagaya nila ako na pinapairal ang charades- dahil hindi ganun. Kung ako tahimik, hindi yon dahil sa gusto kong hulaan mo ang nararamdaman ko. Alam ko lang ang limitasyon nang feelings ko. Alam ko kung kelan ako sasabog sa inis at kung masasaktan ka sa mga sasabihin ko.
Marahil nga magkaiba tayo. Ikaw si pranka. Kaya mo sabihin lahat nang nasa isip mo. Sa mga kwento mo pansin ko yon. Ako naman ay nasa kabilang pole, hindi ako si pranka e. Siguro minsa oo sa mga puna, pero pagdating sa mga bagay na nakataya ang emosyon umuurong ang dila ko. At iyakin ako.
Wag mo din sa akin sasabihin na pinagbibgyan mo ako- hindi yan sinusumbat. Binibigay yan nang buong puso. Kung marerealize ko o hindi- tanggapin mo yon.
Kung inuunawa mo ako- thank you kasi yan yung share mo e. Kung baga nasa role mo yan. Nagpapasalamat naman ako. Sa totoo lang. Siguro di mo pansin na binabalik ko ang kabaitan mo sa akin. Siguro maliit lang yung mga effort ko.
Aminado ako na minsan bratinela ako- dahil moody naman talaga ako e. Topakin. Pero di ba dapat sanay ka na? Sa tinagaltagal nang pagsasama natin simula bata dapat alam mo na yon.
Ako wala akong masasabi o maisusumbat sa iyo dahil nakadutong sa pangalan ko na dapat maging mapagbigay ako sa inyo dahil panganay ako e. Yon na ung nasa norms natin at miski pa ito ay dikta lamang ako mismo ginagawa ko yung makakaya ko.
Dahil ang panganay ay kailangang mapagpagbigay.
Sanay na ako don kaya walang problem.
Pero kasi ito lang,minsan nagbibigay ako pero walang... ewan ko ba- hindi naman sa nageexpect ako. Pero kasi dumarating sa punto na minsan may mangyayari na ewan ko ba tapos ikaw ang lalapitan ko pero wala e.
Taena- naiiyak lang ako di ba. Kaya nga sabi ko wag mo akong ipakakausap sa iyo kasi malaki ang pinag huhugutan nito.
Naaastigan lang ako sa mga nangyayari kasi sometimes you get caught up pag may nagpaparaya na hindi mo na pinapakiramdaman yung kasama mo e.
Yon lang naman- makiramdam ka lang.
Hindi lahat nadadaan sa prankahan dahil hindi lahat pranka.
May mga tao na pigil sa pagsasalita sa mga sensitive na bagay bagay dahil ang mga salitang masasabi mo mahirap nang bawiin pa.
Siguro nga mababaw lang ako pero kasi malalim talaga ang paghuhugutan ko nito e.
Basta ito lang- sinabihan ako nila mama at papa na magparaya ako pagdating sa iyo. Kasi sabi nila halos lahat nang dapat iyo napupunta sa akin.
Akala mo ba madali yon para sa akin na malaman? Hindi. Hindi naman sa ayaw ko yong ganun pero kasi the mere fact na malalaman mo na maraming sacrifices for you. Mejo masakit yon kasi may nawawalan pag ikaw ang nagakaroon.
Time lang talaga- give me time to compose myself and rest assured masasabi ko.
Alam ko naman na mapagbigay at mapagpasensya ka ramdam ko yon wag ka magalala. Salamat.

frustrated
drained
calm
crappy
busy
creative
awake
high
confused
good

